Ang Tatlong Katauhan ni Maria Labo By: Abelardo Gajarion 1. Mula nang naging malaganap ang militarisasyon sa kanayunan naging magulo na ang probinsiya ng Sorsogon. Walang masaganang ani ang mga magsasaka't mangingisda. Maraming maliliit na negosyo ang nagsara. Hindi makapasok sa eskwela ang mga bata. Halos hindi na nga makalabas ng bahay ang mga tao. Lahat nahihintay na lang na mabagsakan ng isang bomba, para sabay-sabay na mamatay. Maliban kay Maria Labo.
Malapit sa paanan ng bundok, malayo sa kabayanan, nakatira sa maliit na bahay na yari sa cogon at kawayan ang mag-asawang Maria at Ermin Labo. Mayroon silang dalwang anak, sina Pablo at Rosalinda. Si Ermin ay isang magsasaka habang si Maria naman ang naglalako ng mga ani sa kabayanan.
Mula nang mawalan ng ani ang kanilang gulayan, ipinasya ni Maria na sumama sa kaibigang naghahanap ng domestic helper papuntang Espanya. Naisip niyang mas marami ang kanyan kikitain sa pagtatrabaho sa ibang bansa kaysa sa paglalako ng gulay na hindi na nga niya nagagawa dahil sa kaguluhan sa kanilang bayan.
Isinangla nila ang kanilang lupang sakahan at ang kinatatayuan ng kanilang bahay para pambayad sa kanyang placement fee. Pagkalipas ng tatlong buwan, lumipad si Maria papuntang Espanya.
2. Sa isang lumang mansion, sa isang bayan na malayun-malayo sa siyudad napadpad si Maria. Bumaba siya mula sa isang kakarag-karag na bus sa tapat ng isang malaki at lumang-lumang gate na bakal. Napupuluputan ito ng mga gumagapang na halaman. Ayon sa agency na nagpadala sa kanya, isang matandang lalaki at isang katiwala na lang ang nakatira sa mansion na kanyang magtatrabahuan.
Pumasok siya sa gate na bahagyang nakabukas. Tanaw niya mula sa kinatatayuan ang kulay abong mansion. Bago makarating roon, kinailangan munang maglakad ni Maria ng halos dalawang kilometro. Maalikabok ang daan na nililinyahan ng malalaking puno sa magkabilang tabi.
Pagdating sa tapat ng mansion, nagulat pa si Maria nang makitang halos tatlong beses na mas matangkad sa kanya ang pintuang gawa sa matigas na kahoy na may mga ukit-ukit na ubas at mga bulaklak. Gawa sa bato ang buong mansion. Napansin niyang halos hanggang tuhod na niya ang mga damo sa bakuran. Halos mapuno na rin ng mga gumagapang na halaman ang kanang bahagi nga mansion.
Kumatok siya gamit ang bilog na bakal na nakasabit mula sa sabitan na hugis ulo ng leon. Luminga-linga siya, nagbabakasakaling may tao siyang makikita, ngunit walang sumalubong sa kanya. Matapos ang halos limang minutong paghihintay, kusang bumukas ang pinto. Bumukas ito nang mabagal na mabagal at gumawa ito ng nakakarindi at nakakangilong ingay na parang bang matagal na itong nakasara at noon lamang nabuksan. Wala siyang makitang tao sa loob sa kanyang pagpasok.
Hindi niya nakita ang matandang lalaki na kanina pa siya taimtim na tinititigan mula pa lang nang pumasok siya sa gate at maglakad patungo sa bahay.
Hola, como estas? bati sa kanya ng isang lalaki mula sa kaliwang bahagi ng mansion.
Napaigtad si Maria sa gulat. Hindi niya inasahang lalabas na lang bigla ang isang lalaking may magarang-magarang kasuotan.
Soy Eduardo. Que te llamas?
Hindi alam ni Maria ang isasagot.
Comprendes Espanol?
Umiling-iling na lamang si Maria. Kung hindi man wala, katiting lamang ang kanyang nalalaman sa wikang Espanyol. Tinitigan muna siya ng lalaki bago nagpumilit magsalita ng Ingles.
Follow. Follow.
Si Eduardo ang katiwala ng mansion. Matagal-tagal na rin siyang naninilbihan doon. Nagbabalak na siyang umalis, ngunit hindi niyo iyon magawa hangga't hindi pa niya napipili ang tamang babaeng mag-aalaga sa kanyang amo.
Inabot sila ng kalahating araw para lamang libutin ang buong mansion. Inisa-isa nila ang bawat kwarto. At sa bawat kwarto ipinaliwanag ni Eduardo ang mga takdang gawain ni Maria. Pautal-utal na Ingles ang ginamit ni Eduardo, maging iyon ay hindi gaanong naintindihan ni Maria.
Tienes hambre? E, are you, e, starved?
Hindi alam ni Maria kung ano ang isasagot kaya tumango na lang siya. Nahalata ni Eduardo na hindi naintindihan ng kanyang kausap ang sinabi niya. Doon niya nalaman na natagpuan na niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap.
Senor Gustavo wants to ... e, hablar ... e, speak to you ...
Tatlong buwan na ring nagtatrabaho sa mansion si Maria, ngunit hirap na hirap pa rin silang magkaintindihan at magkausap. Mas madali na lang para sa kanila ang magsenyasan.
Sa loob ng tatlong buwang iyon, dalawang beses pa lang nakakapasok si Maria sa kwarto ng among si Gustavo. Sabi ni Eduardo, sa pautal-utal na tagpi-tagping kwento, si Gustavo ay matagal nang may karamdaman. Maselan ang kalagayan nito kaya hindi pwedeng makita ng maraming tao.
Noong unang pagkakataon na nakapasok si Maria sa kwarto ni Gustavo halos hindi rin sila nagkita. Ipinakilala lang siya ni Eduardo, ngunit doon lamang sila nakatayo sa pintuan. Madilim ang bahagi ng kama kung saan nakaratay si Gustavo kaya hindi halos naaninag ni Maria ang mukha ng matandang lalaki.
Nang ikalawang pagkakataon, nakapasok at nakalapit na si Maria kay Gustavo. Kinuha niya ang arinola sa tabi ng kama ng amo. Kulu-kulubot na ang balat nito. Manipis na manipis na ang maputing buhok sa ulo. Halos puti na lahat ang mga mata nito. Bago siya umalis tinanong si Maria ni Gustavo. Mahinang-mahina ang boses nito, halos hindi na marinig ni Maria.
Are you Filipina?
Tumango si Maria, naintindihan niya ang tanging tanong na itinanong sa kanya ng amo.
A, opo, si, si, Senor Gustavo. I am Filipina.
Nagtataka si Maria. Iniisip niya ang mga posibleng dahilan kung bakit siya pinatawag ni Gustavo gayong nariyan naman si Eduardo para ibigay anuman ang pangangailangan ng amo. Iniwan niya ang nililinis sa kusina para pumunta sa kwarto ng amo. Bago makalabas ng kusina, pinaalalahanan pa siya ni Eduardo.
Maria, nunca, e, do not go out of the room if Senor Gustavo, e, is not asleep yet.
Marahang kumatok saka pumasok si Maria sa kwarto ni Gustavo. Lumapit siya sa matanda. Sinenyasan siya nitong lumapit. Tila may ibubulong ang kanyang amo. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Gustavo.
Kabadong-kabado si Maria. Hindi man lang niya nahulaan na ang pagpasok niyang iyon ay ang kanyang huli. Dahil paglabas niya, hindi na siya ang dati.
3. Malaki ang nagbago sa pamilya ni Maria simula nang bumalik siya galing Espanya. Dalawang buwan na rin ang nakakaraan mula nang bumalik siya sa bayan nila sa Sorsogon.
Inggit na inggit ang mga tao nang dumating siya. Apat na buwan lang siyang namalagi sa Espanya, ngunit marami siyang dala-dalang pasalubong. Marami siyang dalang mamahaling mga plato, kubyertos, at kandelabra. Nabawi nila agad ang lupang isinangla at nakapagpagawa sila ng bagong bahay.
Ngunit, ang ipinagtataka ng lahat ay kung bakit ni hindi man lang nila makita si Maria na lumabas ng bahay. Lagi silang nag-aabang na luluwas sa bayan si Maria ngunit hindi man lang nila ito matiyempuhan.
Gayon din si Ermin at ang kanyang mga anak. Takang-taka sila sa panlalamig ni Maria sa kanila. Hindi ito gaanong nagsasalita bagamat nananatili pa rin itong maasikaso at mapagbigay. Kapag gabi, sa kama, naririnig ni Ermin ang impit nitong pag-iyak. Kapag hinahawakan siya ni Ermin para aluhin napapaso ito dahil sa sobrang lamig ng kanyang katawan. Para siyang yelo sa lamig. Kinukumutan siya ni Ermin at niyayakap, ngunit pakiramdam nito para lamang itong yumayakap sa hangin.
Minsan, isang hatinggabi, napabalikwas si Ermin nang marining niyang pumapalahaw sa bintana si Maria. Nang magmulat siya't hinanap ang asawa nagulat siya nang makitang duguan ang katawan ni Maria. Laslas ang leeg nito at sumisirit mula doon ang napakaraming dugo. Hindi siya nagpahalatang gising bagama't takot na takot na siya. Nakita niyang tumagos sa pader ang katawan ni Maria. Nangilabot siya. Nagkunwari siyang tulog nang lapitan siya ng kanyang asawa. Alam niyang nilapitan siya nito at tinitigan ang kanyang mukha. Naaamoy ni Ermin ang lansa ng dugo at ang amoy ng naaagnas na katawan. Ipinagdasal niyang sana panaginip lang ang lahat. At kung binabangungot man siya, sana magising na siya, at sana normal pa rin ang lahat.
Paggising niya kinabukasan, wala si Maria sa kanyang tabi. Hinanap niya ito sa buong kabahayan ngunit hindi niya ito nakita. Tinanong niya ang kanyang mga anak kung nakita nila si Maria ngunit hindi nila ito nakita simula ng nakaraang gabi.
Ikinuwento ng kanyang dalawang anak na nanaginip silang nakita nila ang kanilang ina na umiiyak sa kwarto nila. Duguan ang buong katawan nito. Laslas ang leeg at sumisirit ang dugo mula dito. Nilapitan sila at hinalikan ng kanilang ina, tapos paggising nila, walang anumang bakas na nagpunta nga roon si Maria.
Kinilabutan si Ermin. Pare-pareho nilang nakita si Maria ng nakaraang gabi sa pare-parehong sitwasyong. Takang-taka pa rin siya kung saan naroon ang kanyang asawa. At habang tumatagal lalo siyang kinakabahan sa mga bagay na maaari niyang matuklasan.
Mag-aalas siyete ng gabi, wala pa rin si Maria, nang biglang may kumatok sa kanilang pintuan. Dali-daling tumayo si Ermin para pagbuksan ang pinto. Inaasahan niyang si Maria na iyon. Ngunit, nang kanyang pagbuksan, bumungad sa kanya ang dalawang lalaking dayuhan.
Ang dalawang lalaki ay mula sa Spanish Embassy. Ibinalita nila na noong isang araw. natagpuan ang bangkay ni Maria Labo na naaagnas sa ilalim ng kama ng amo nito sa Espanya. Ang among si Gustavo ay dating magaling na doktor na nabaliw dahil iniwan ng kanyang Filipinang asawa.
Nasa mental hospital na si Gustavo habang ang katiwala naman nitong si Eduardo ay nakulong sa pagtatakip sa krimen ng kanyang amo.
Hindi makuhang magsalita ni Ermin. Tiningnan niya ang buong kabahayan, inisip niya kung paanong patay na si Maria nang mahigit dalawang buwan, gayong dala-dala pa niya ang mga pera't kagamitan na nakikita niya sa paligid ng bahay. Hindi siya naniwala sa dalawang lalaki. Pinaalis niya ang mga ito at pinagsisigawan.
Hinintay niya si Maria. Inisip niyang nagbakasyon lang ito sa kung saan at babalik na rin pagtagal-tagal. Hinintay niya nang hinintay ang kanyang asawa. Pagkalipas ng isang linggo dumating si Maria, ngunit, isa nang naaagnas na bangkay.
(English Version) The Three Faces of Maria Labo By: Abelardo Gajarion 1. When militarization was widespread in the barrio, it caused disorder in the province of Sorsogon. The farmers and fishers have no abundant harvests. Many small businesses closed. The children can't go to schools. People can't almost go out of their houses. All are just waiting to be bombarded to die simultaneously. Except of Maria Labo.
Near at the foot of the mountain, far from the barrio, living in a small hut made in cogon and bamboo, is where Maria and Ermin Labo lives. They had two children, Pablo and Rosalinda. Ermin is a farmer, while Maria was a vendor of their harvests in villages.
When time came that they have no abundant harvest to their vegetable farm, Maria decided to go to her friend who was searching domestic helpers to go to Spain. She thought she will earn more by working overseas than selling vegetable which she can't even do because of war in their province.
They mortgaged their farmland and the place where their house was, just for the payment of her placement fee. After three months, she was now gone to Spain.
2. Maria was brought in an old mansion in a village far from the city. She went down from a not-so-good-in-traveling bus at the front of a big and old gate made of metal. It was winded with a crawling plant. According to her agency who sent her, only an old man and his trustee live in the mansion where she's going to work.
She went inside the gate which is partly open. Far from where she stands, she can see the whole gray mansion. Before she arriving there, she needs to walk almost two kilometers. The road was dusty, aligned with large trees in both sides.
Upon arriving in the front of the mansion, Maria was shocked seeing a large door, almost three times of her height, made in wood sculpted by grapes and flowers as decorations. The whole mansion was made of cement. She noticed that the grass on its garden grew as tall as her knee. While the right part of the mansion was almost covered by the creeping plants.
She knocked the door using the round metal hanging on a lion-shaped thing. She looked towards all directions, thinking she will see someone, however no one welcomed her. After five minutes of waiting, the door just opened voluntarily. It opened very slowly and it made an unpleasant sound as if it was closed for so long and it was opened for the first time. Upon entering, she saw no one.
She hadn't seen the old man who devotedly watch her upon her arrival in the gate and while she's walking towards the mansion.
Hola, como estas? (Hello, how are you?) Greeted by the man who came from the left corner of the mansion.
Maria was shocked. She didn't thought a man wearing a beautiful clothes will just appear from no where.
Soy Eduardo. Que te llamas? (I'm Eduardo. What's your name?)
Maria don't know what to answer.
Comprendes Espanol? (Can you understand Spanish?)
She just shake her head. If she knows something in Spanish, she only knew a little on it. The guy stared at her before speaking English.
Follow. Follow.
Eduardo was the trustee of the mansion. He worked there for so many years. He was planning to quit now, but he can't do it till he finds the right woman to take care of his master.
They took half a day to finish walking around the mansion. They inspect every room. And Eduardo explained to Maria her job. He stammeringly used English, even Maria can't understand much.
Tienes hambre? (Are you hungry?) E, are you, e starved?
Maria didn't know what to answer so she just nod. Eduardo noticed that Maria don't understand him. So he concluded that he found the girl he was searching for.
Senor Gustavo wants to . . . e, hablar . . . e, speak to you . . .
It was three months since Maria started to work there, but still they have difficulty in understanding and talking with each other. So its more easy for them to use sign language instead.
In that three months, she had had a chance to go inside Mister Gustavo's room only two times. Eduardo said, in stammering and patching story, Mister Gustavo was sick for so many years ago, until now. It was very intricate, that's why no one must see him.
The first time Maria had a chance to go inside Gustavo's room, they even got no chance of seeing each other. Eduardo just introduce her, however they're just standing in the door. In the side where Gustavo was resting, it was very dark that's why she can't clearly see the face of the old man.
In the second time, Maria got a chance to go nearer Mr. Gustavo. She just get the urinal beside her master. His skin was wrinkled. His hair was so thin. His eyes are almost white. Before she departed Gustavo asked her. His voice was so low which Maria can't almost hear.
Are you Filipina?
Maria nodded, she understood the small question of her master.
A, opo, si, si, Senor Gustavo. I am Filipina.
Maria wondered why she was called by Gustavo even Eduardo was there to give his orders of whatever he needs. She thought some possible reasons. She left her work in the kitchen just to go to his room. Before going out of the kitchen, Eduardo give her some warnings.
Maria, nunca (never), e, do not go out of the room if Senor Gustavo, e, is not asleep yet.
She knocks slowly at the door of Mr. Gustavo's room. She went near to the old man. He signaled her to go nearer. It seemed her master was whispering something. Slowly, she brought her face nearer to Mr. Gustavo's.
Maria was very nervous. She didn't even predicted that it'll be her last. Because when she go out, she'll be different from normal.
3Many changed to Maria's family since she came back from Spain. It was two months after she went back to Sorsogon, her province.
All the people are very jealous of her when she arrived home. She had spent four months in the Spain, but she had brought many pasalubong (take homes) for that short time. She brought up expensive plates, utensils, and candelabra. Their land was on their hand again and they had built a new house.
However, they (their neighbors) wondered why they haven't seen Maria go out of their house. They often wait her go out to visit their town but they have no chance of seeing her.
Likewise, Ermin and his children didn't went outdoors. They are wondering very much of Maria's coldness to them. She's not talking, but she still remain caring and giving. At night, on the bed, Ermin hear her repressed cry. Whenever he attempts to touch her for comfort, he will always burn of coldness of her body. She seemed like an ice. Ermin blanketed and hugged her, but he felt somewhat like he was just hugging on a wind.
One night, Ermin jump up while hearing Maria squealling at the window. When he woke up to see his wife, he was frightened seeing her bathed in blood. Her nick was slashed and blood spits on it. He went back from lying on the bed not noticeably awake, although he was very scared. He saw Maria passed through the wall. He was terrorized. He pretended sleeping when she went near him. He knew that she went close to him and stared at his face. He smelled the bad odor of the blood and the rotten flesh. He prayed that all were just a dream. And if he's in a nightmare, he prayed he'll be awake, and wished everything are back to normal.
When he woke up the next day, Maria was not on her side. He looked for her every where in the house, but he find her nowhere. He also asked his children if they saw her, but like him, they didn't, starting last night.
The children told Ermin that they dreamt of their mother crying in their room. Her body was full of blood. Her nick was slashed and the blood spit out from it. She went near them and kissed each of them, then when they woke up, they had seen nothing or even saw any evidence that their mother went there.
Ermin felt horrible. All of them saw Maria last night in the same situation. Still he was wondering of where his wife might be. Time passed by, he feels more and more nervous to the things he might discover.
Seven o'clock in the afternoon, still Maria was not home, when suddenly, they heard someone knocks at the door. Hastely, Ermin got up to open the door. He hoped it was Maria. But, when he opened, there was two foreigner standing.
The two men came from the Spanish Embassy. They informed him that they saw the dead body of Maria Labo rotten under her master's bed in the Spain. Mr. Gustavo was an excellent doctor who became insane because his Filipina wife departed him.
Now, Mr. Gustavo was brought to mental hospital while his trustee, Eduardo, was brought to jail from hiding the crime made by his master.
Ermin can't talk. He look at the whole house. He can't that Maria was dead for almost two months, inspite all the moneys and things she brought home. He didn't believe on them. So he angrily told them to go away.
He waited for Maria. He just think that she was on a vacation and she'll be home soon. He waited her wife for a long time. After some weeks Maria came, now . . . a rotten corpse. |
0 komentar:
Posting Komentar